|
The English Education System in Tagalog
Ang Sistema ng Edukasyon ng Inglatera
Ang mga batang nasa UK ay kailangang pumasok sa paaralan mula sa pasukang makalipas ang kanilang ika-limang taong kaarawan hanggang sa huling Biyernes sa Hunyo ng taon ng eskwela kung kailan sila ay 16 taong gulang; karaniwan ay tumutuntung sila ng secondary school (paaralang sekundarya) mula primary school (paaralang elementarya) sa edad na 11 taon. Karaniwan sa mga paaralang sekundarya sa Inglatera ay pang-malawakan; wala silang ipinapatupad na mapag-piling sistema sa pagtanggap. Maaaring magpasya ang mga magulang na paturuan ang kanilang mga anak sa bahay. Kung ganito ang nais nilang gawin ay hinihiling silang makipag-ugnayan sa Lokal na Awtoridad upang maaprubahan ang kanilang hinihiling
Para sa pagpapayo ukol sa pagkatanggap sa anumang paaralan sa Cambridgeshire ay mangyaring magpunta sa: http://www.cambridgeshire.gov.uk/education/parents/admission/ o direktang makipag-ugnayan sa The Admissions Team sa numerong 01223 717391, 717916 o sa 718472 o magpadala ng e-mail sa kanila sa: admissions@cambridgeshire.gov.uk.
Ang mga mag-aaral lahat ng paaralan ay sumusunod sa National Curriculum [Pambansang Kurikulum]. Sa ilang mga paaralang elementarya ang kurikulum ay maaaring maituro sa pamamagitan ng mga paksang sumasaklaw sa lahat ng mga asignatura ng Pambansang Kurikulum. Sa mga paaralang sekundarya ang mga mag-aaral ay nag-aaral ng Sining at Disenyo, Pagiging Mamamayan, Disenyo at Teknolohiya, Ingles, Heographiya, Kasaysayan, ICT, Mga Matematika, Modernong Dayuhang Wika, Musika, Edukasyong Pampisikal, Agham, Edukasyong Pang-relihiyon at Edukasyon ng mga Karera hanggang sa wakas ng Ika-9 na Taon kung kailan ay makakapagpasya sila kung anu-ano ang mga asignaturang nais nilang kunin para sa GCSE. Kapag pumipili ng mga GCSE na dapat na kunin ng iyong anak, maaari mong pag-isipang makakuha ng kwalipikason sa wikang sinasalita ninyo sa bahay sapagkat sa pamamagitan nito ay magkakaroon sila ng pagkakataong maipamalas ang kanilang kakayahan sa wika.
Ang Pambansang Kurikulum ay nahahati sa limang mga Pangunahing Panahon:
Panahon ng pundasyon |
Edad 3 – 5 |
Nursery at Pagtanggap |
Key Stage (Pangunahing Panahon) 1 |
Edad 5 – 7 |
Mga pangkat ng baitang 1 – 2 |
Key Stage |
Edad 7 – 11 |
Mga pangkat ng baitang 3 – 6 |
Key Stage |
Edad 11 – 14 |
Mga pangkat ng baitang 7- 9 |
Key Stage |
Edad 14 – 16 |
Mga pangkat ng baitang 9 - 11 |
Ang bawat pagunahing panahon ay tumatagal ng ilang mga taon. Ang mga paaralan ay malayang magplano ng pagtuturo sa loob ng panahon na ito ayon sa pinakamabuti para sa kanila. Ang mga paaralan ang mga bumubuo ng sarili nilang mga plano, ayon sa bawat pasukan at ayon sa bawat taon.
Ang mga mag-aaral ay tinatasa sa pamamagitan ng mga pagsusulit ng Pambansang Kurikulum (na tinatawag bilang mga SAT) sa pagwawakas ng bawat Pangunahing Panahon sa buwan ng Mayo:
Ang mga pagtatasa ng Pangunahing Panahon 1 sa Ingles at Mga Matematika ay kinukuha sa edad na 7. Karamihan sa mga mag-aaral ay inaasahang magkamit ng antas na 2+.
Ang mga pagtatasa ng Pangunahing Panahon 2 sa Ingles, Mga Matematika at Agham ay kinukuha sa edad na 11. Karamihan sa mga mag-aaral ay inaasahang magkamit ng antas na 4+.
Ang mga pagtatasa ng Pangunahing Panahon 3 sa Ingles, Mga Matematika at Agham ay kinukuha sa edad na 14. Karamihan sa mga mag-aaral ay inaasahang magkamit ng antas na 5/6.
Ang Pangunahing Panahon 3 ay tinatasa ng mga antas ng makakamit sa National Qualifications (mga Pambansang Pagkwalipika) tulad ng GCSE. Karamihan sa mga mag-aaral ay naglalayong magkamit ng limang mga marka mula A* hanggang C.
Bagaman ang mga mag-aaral ay kadalasang kukuha ng mga pambansang pagsusulit o mga pagsusulit sa paaralan sa bandang dulo ng bawat taon ng pag-aaral, mahalagang matandaan na ang mga mag-aaral na magkakamit ng mga hindi magagandang resulta sa mga ito ay karaniwang hindi na pananatilihin at hihilinging ulitin ang taon ng pag-aaral na iyon.
Mga Pangkat ng Abilidad / Sets
Ang mga mag-aaral sa mga paaralang elementarya ay kadalasang inilalagay sa mga pangkat ng abilidad para sa mga araling ukol sa kakayahan sa Literacy (Pagbabasa at Pagsusulat) at Numeracy (mga Bilang). Sa mga paaralang sekundarya ang mga mag-aaral ay maaaring mailagak sa mga pangkat ng abilidad na kung tawagin ay sets para sa ilang mga asignatura mula sa ika-7 na taon. Palaging pinakamainam na magtanong kung saang set nailagak ang iyong anak para sa bawat asignatura sapagkat maaari itong makaapekto sa antas kung saan sila tuturuan.
Gaano kagaling ang aking anak sa paaralan?
Karamihan sa mga paaralan ay kailangang magdulot ng mga magulang/tagapangalaga ng isang taunang ulat ukol sa kung paano umunlad ang kanilang anak sa bawat asignatura ng Pambansang Kurikulum at ang resulta ng anumang mga pagsusulit na maaaring kinuha nila. Mangyaring hilingin ang iyong paaralan kung nais mong ipasalin ito.
Ang mga paaralan ay kadalasang nagdaraos ng mga gabing pang-magulang nang kahit isang beses man lang sa isang taon at aanyayahan kayong dumalo. Ang mga pagpupulong na ito ay mahalaga sapagkat nagbibigay ang mga ito ng pagkakataon upang matalakay ninyo ang pag-unlad ng iyong anak. Maaaring kailanganin mong pag-isipan kung dapat ka bang magsama ng isang kaibigan upang matulungan kang magtanong-tanong o kung nais mong magpadala ang paaralan ng isang tagasalin-bigkas.
Kung nagiging mabagal ang pag-unlad ng iyong anak ay maaaring mayroon siyang mga pangangailangan para sa espesyal na edukasyon. Ang lahat ng mga batang may pangangailangan para sa espesyal na edukasyon o special educational needs (SEN) ay dumaranas ng mga kahirapan o kapansanan sa pagkatuto na lalong nagpapahirap sa kanila na matuto kumpara sa karamihan sa mga batang kasing-edad nila. Ang mga batang ito ay maaaring mangailangan ng tulong na bukod pa o kaiba sa tulong na ibinibigay sa ibang mga batang kasing-edad nila.
Itinatakda ng batas na ang mga bata ay hindi nagkakaroon ng mga kahirapan sa pagkatuto kapag ang tanging dahilan ay natututo pa sila ng Ingles bilang karagdagang wika; subalit, maaaring ang ilan sa mga batang ito ay mayroon ding mga sariling kahirapan sa pagkatuto. Para sa karagdagang impormasyon maaari kang dumulog sa website ng Parent Partnership Service: http://www.cambridgeshire.gov.uk/education/parents/support/partnership/ o tawagan sila sa numero ng telepono na 01223 699214.
Mga Insidente ng Pag-aalipusta / Pagtatangi ayon sa Lahi
Nagugustuhan ng karamihan sa mga mag-aaral na gumagamit ng dalawang wika ang kanilang pamamalagi sa mga paaralan ng Cambridgeshire ngunit ang ilang mga mag-aaral ay maaaring dumanas ng mga kahirapan. Mahalagang makipag-ugnayan ka agad sa paaralan kung ang iyong anak ay makaranas ng anumang mga kahirapan tupad ng pag-aalipusta, pagtatangi ayon sa lahi o kung tinawag sila sa di-magandang salita (name-calling). Ang bawat paaralan ng Cambridgeshire ay may napagkasunduang patakaran at mga pamamaraan sa paghawak ng ganoong mga bagay-bagay. Kung kailangan mo ng karagdagang suporta o payo ukol sa anumang mga kaso ng pag-aalipusta o pagtatangi ayon sa lahi ay mangyaring makipag-ugnayan sa Race Equality and Diversity Service [Serbisyo para sa Pagkakapantay-pantay ng Lahi at Pagkakaiba-iba]ng Cambridgeshire sa numero ng telepono na 01223-568841.
Post-16
Ang edukasyong Post-16 ay hindi kinakailangang kunin sa Inglatera. Ang mga mag-aaral ay maaaring magpasyang ipagpatuloy ang kanilang edukasyon o di kaya’y magsimula nang magtrabaho. Maraming mga mapagpipilian ang mga mag-aaral na magpapasyang ipagpatuloy ang kanilang edukasyon.
Ang isang mag-aaral ay maaaring manatili sa isang paaralan na may nakatakda para sa post-16 at pumasok sa nakasanayan nang tawagin bilang 'Sixth Form' (‘Ika-Anim na Pasok’) o di kaya’y maaaring magpunta ang mga mag-aaral sa isang 'Further Education College' ‘[Kolehiyo para sa Karagdagang Eduksyon]’.
http://www.parentscentre.gov.uk/ Payo para sa mga magulang ukol sa isang malawak na hanay ng mga paksa kabilang ang kurikulum para sa mga mag-aaral sa iba’t-ibang mga edad, karagdagang at mas mataas na edukasyon, mga araw na walang pasok sa paaralan, pag-uugali at displina, atbp.
|